Kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo, muling inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina, sa pamamagitan ng Marikina Shoe Industry Development Office (MASIDO), ang publiko sa pagbubukas ng taunang Back-to-School Bazaar sa Mayo 17 hanggang Hunyo 17 Sa Freedom Park.

“Magaganap ang pagtitinda ng genuine Marikina leather products mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi araw-araw,” abiso ng MASIDO.

“Bukod sa subok na mahusay na kalidad, ang ating mga produkto ay gawang Marikina kaya ginagarantiya natin na magugustuhan ng ating mga kababayan,” diin ni Mayor Del De Guzman. (Mac Cabreros)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang