“GIVE me my share if you want her to stay in that house!”

Ito raw ang malutong na litanya ng dating karelasyon ng lalaking nakarelasyon ng isang showbiz celebrity. Kumakalat ang tsikang ito sa village na kinatitirikan ng love nest ng popular na couple.

Sa pagkakaintindi ng source na nakarinig sa tsika, at nagparating naman nito sa amin, matagal na palang hinihingi ang dating karelasyon ang naiambag nitong pera sa naturang bahay. Pero hindi raw ibinibigay ng lalaki.

May pakpak ang balita at may taynga ang lupa, kaya sa matagal-tagal na panahon na ring paninirahan ng female celebrity sa naturang village, nakarating ito sa kanya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gulat na gulat ang female celebrity, kasi nga naman inakala niya na ang bahay na tinitirhan niya ay solong pag-aari ng karelasyon niya, pero hindi nga dahil may kahati pala.

Lagi na raw nagtatanong ang female celebrity kung bakit may ugnayan pa ang boyfriend niya sa dating karelasyon nito na sosyalera at mayaman din.

Para magkaroon ng peace of mind, hinikayat na ng female celebrity ang karelasyon na bayaran o ibigay ang share ng dating karelasyon para hindi na ito manggulo o wala nang isyu lalo’t nalalapit na ang kanilang ‘big day’.

Pero tila nagmatigas ang lalaking personalidad at kung anu-ano na ang pinagsasabi hanggang sa humantong na sa diskusyon, bagay na hindi na kinaya ng female celebrity dahil pakiramdam niya ay wala pala siyang lugar sa bahay na tinitirhan ng karelasyon niya.

Heto na ang siste, Bossing DMB, talk of the town ang lalaki sa sosyal na village at ultimo yata guwardiya ay knows ang nangyari sa loob ng napakagandang bahay na iyon.

Ang terminong ginamit ng ating source, Bossing DMB, “Isa lang ‘yan sa hindi pinagkaintindihan ng dalawa. Iba pa ‘yung verbal abuse, basta marami.”

Kaya naman pala nagbitaw na ng salita ang magkabilang kampo ng ex-couple na, “we don’t see any reconciliation in the future.”

Bakit nga ba kasi hindi na lang bayaran ang share o bumili ng ibang bahay ang lalaking personalidad para sa future nila ng babaeng celebrity, kung talagang seryoso siya? Naisip lang din namin para sana hindi nagkagulo.

(Reggee Bonoan)