INILUNSAD ng Department of Tourism (DoT) ang isang Muslim Visitors Guide to the Philippines sa Konya, Turkey ngayong linggo upang higit pang bigyang-diin ang reputasyon ng Pilipinas bilang isang bansang malugod na tumatanggap sa mga Muslim.

Hindi nagbigay ng aktuwal na petsa si DoT Assistant Secretary Arturo Boncato, Jr. sa nasabing paglulunsad, ngunit una nang inihayag na ilalabas online ang visitors guide sa kasagsagan ng Halal Tourism Conference 2016 sa Turkey ds Mayo 3-5.

Bumiyahe na si Boncato patungong Turkey upang dumalo sa nabanggit na kumperensiya.

“As soon as it is approved, we will announce. We are releasing an online copy this time but a hard copy may be released in the future if necessary,” sinabi ni Boncato nang kapanayamin ng Philippines News Agency.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong nakaraang buwan, inihayag ng kagawaran na may 16 na establisimyento—mga resort, hotel, at restaurant sa Maynila, Cebu, Davao, Boracay, at iba pa—ang nakatanggap ng halal-certification.

Puntirya ng DoT na magkaroon ng 60-70 aplikante ng halal-certification sa katapusan ng buwang ito.

Ang Muslim Visitors Guide to the Philippines ay ilulunsad ng DoT, sa pakikipagtulungan sa kinikilala sa mundo na independent rating at accreditation standard para sa mga serbisyo ng pagbibiyahe na Muslim-friendly, ang Crescent Rating.

Sinabi ni Boncato na tampok sa visitors guide ang listahan ng mga mosque, cultural center, slaughter house, traditional sights at attractions, restaurant na halal-certified, at maraming iba pa.

Hangad ng DoT na makakuha ng 10-porsiyentong pagtaas sa mga bumibiyahe mula sa merkadong Muslim kasunod ng paglulunsad ng mas maraming halal-certified restaurant at ng mismong visitors guide.