curry copy

OAKLAND, California (AP) — Nagsimula nang magbalik sa shooting drills si Stephen Curry, ngunit hindi pa niya iginagalaw ang na-injure na tuhod.

Puspusan ang rehabilitasyon ng reigning MVP sa kagustuhang makabalik sa laro kung papalarin sa Game 3 ng Western Conference semi-finals kontra Portland Trail Blazers.

Ngunit, para kay Coach Steve Kerr, maliit ang posibilidad na makasama sa line up si Curry hanggang Game 4 ng serye.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“It just depends how his week goes,” pahayag ni Kerr patungkol sa katayuan ni Curry na makalaro sa Game Three sa Sabado (Linggo sa Manila).

“We’ll just monitor him and see how it goes and hopefully get him back at some point. It’s nice to have that long break between 2 and 3,” aniya.

Nagtamo ng sprained sa MCL ng kanang tuhod si Currynang madulas sa kanyang pagtatangkang dumepensa sa Game Four ng first round playoff kontra Houston Rockets.

Batay sa resulta ng MRI exam kay Curry, sinabi ni general manager Bob Myers na aabutin ng mahigit sa dalawang linggo ang kailangang ipahinga ng pambato ng Warriors.

Ngunit, maglaro man o hindi si Curry, kombinsido si Portland coach Terry Stotts na mabigat na kalaban ang Warriors.

“They’re a great team without Steph. They’re a historically great team with him,” pahayag ni Stotts.

“They have a style of play, they have an identity. Everybody understands their roles. They do what they do well.

They’re an exceptional team with Steph and what he can bring to the table, but I think the last six quarters showed how good they are without him as well,” aniya.