Ni Nitz Miralles

Jean GarciaMABAIT uli ang role ni Jean Garcia sa Once Again, bilang si Madel Mateo, ang umampon kay Janine Gutierrez sa nasabing primetime show na magpa-pilot na tonight. 

Pero kahit mabait, lumalaban ang karakter ni Jean lalo na sa ina niya sa teleserye na si Chanda Romero na ayaw na ayaw kay Janine.

Nakaka-relate siya nang husto sa kanyang role na nag-alaga ng bata dahil in real life, katulong siya ng anak na si Jennica Garcia at asawa nitong si Alwyn Uytingco sa pag-aalaga sa kanyang unang apo na si Moira.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Very proud si Jean sa apo dahil bukod sa mabait at maganda, kahit wala pang kamuwang-muwang ay mahilig humawak at tumingin sa pambatang religious books. Kaya kahit ipinagbawal nina Jennica at Alwyn na i-post ang picture ni Moira sa social media, hindi nakatiis si Jean, ipinakita pa rin sa netizens ang kanyang apo.

“Ayaw kasi nina Jennica at Alwyn na sabihin ng mga tao na ginagamit nila ang kanilang magandang anak, kaya bawal i-post ang mukha niya na nakaharap. Isang araw, hindi ko na kaya at ‘di baleng magalit sina Jennica at Alwyn, pero nanaig sa akin ang love ng isang lola at proud na proud ako at kailangan kong ilabas ang picture niya. Kaya ‘pinost ko ang picture ng apo ko,” kuwento ni Jean.

Kinabukasan, dumating sa bahay niya sina Jennica at Alwyn, pero hindi naman nagalit sa ginawa niya. Ang maganda sa nangyari, naging simula ang pagpo-post niya ng picture ng apo sa pagpo-post na rin nina Jennica at Alwyn sa picture ng baby nila. 

Ngayon, hindi na nakatalikod o nakatigilid si Moira sa IG.