PANIQUI, Tarlac - Puspusan ang operasyon ng awtoridad laban sa ilegal na droga at nitong Sabado ay tatlong drug pusher ang naaresto ng mga tauhan ng Paniqui Police sa Barangay Estacion sa bayang ito.

Sa ulat kay Supt. Salvador Destura, hepe ng Paniqui Police, dinakip sa pag-iingat ng hinihinalang shabu sina Darryl Quintana, 25, binata, ng Mangatarem, Pangasinan; Fitzgerald Quintos, 23, ng Camiling, Tarlac; at Raul Garlit, 33, ng Mangatarem, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, dakong 5:20 ng hapon nang ikasa ang buy-bust sa loob ng isang hotel sa Bgy. Estacion, Paniqui, Tarlac.

Nagkunwaring buyer si PO1 Silvino Batenga hanggang iabot dito ni Quintana ang isang transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money. Narekober din kina Quintos at Garlit ang dalawa pang transparent plastic sachet na may ilegal na droga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog