Tatlong katao ang nasawi habang 11 ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang hulihang gulong ng sinasakyan nilang van hanggang nagpasirko-sirko ito sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway sa bayan ng Rosales sa Pangasinan, iniulat kahapon.

Kinilala ng Rosales Municipal Police ang mga nasawi na sina Jane Lacerna, Leo Salido, at Rona Labor, habang agad namang isinugod sa ospital ang mga nasugatan, pawang trabahador sa isang footwear store sa Montalban, Rizal.

Nabatid na nanggaling sa outing sa Baguio City ang mga biktima at pauwi na sakay sa puting van nang sumabog ang isa sa mga gulong ng sasakyan na bumangga sa railings bago nagpasirko-sirko. (Fer Taboy)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol