Dylan O'Brien

LOS ANGELES — Lalong tumagal ang principal photography ngMaze Runner: The Death Cure upang mabigyan ng sapat na panahon ang bidang si Dylan O’Brien na maghilom ang mga sugat na natamo sa shooting noong kalagitnaan ng Marso.

Ayon sa pahayag ng 20th Century Fox nitong Biyernes, hindi na sila makapaghintay na muling simulan ang production sa lalong madaling panahon.

Binubuo ni O’Brien ang ikatlo at huling bahagi ng serye sa British Columbia nang maaksidente siya at masugatan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, kinumpirma naman ng tagapagsalita ni O’Brien na nagpapalakas na ang 24 na taong gulang na aktor.

Hindi nagbigay ng pahayag ang Fox kung maaantala rin ang planong pagpapalabas sa nabanggit na pelikula sa Pebrero 2017.

Nakilala rin si O’Brien sa kanyang pagganap sa Teen Wolf series. (Associated Press)