Maine copy

NAGULAT ang viewers ng Eat Bulaga sa Wednesday episode dahil parang galit na galit si Alden Richards.

Kahit nagho-host, parang lutang siya at hindi ngumingiti at kita sa mukha na worried siya.

May rason kung bakit ganu’n si Alden, nalaman niyang binastos ang ka-love team niyang si Maine Mendoza sa “Sugod Bahay” segment ng Eat Bulaga. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang sabi, nahipuan sa boobs si Maine, rason para maiyak ang dalaga. Ang lalong ikinagalit ni Alden, hindi agad sinabi sa kanya ni Maine ang nangyari at sa staff pa ng EB niya nalaman. Kaya ang tanong daw ni Alden kay Maine ay kung ano siya sa buhay nito.

Kaya naman daw hindi sinabi ni Maine kay Alden ang nangyaring pambabastos sa kanya dahil alam niyang magagalit ito, na nangyari nga.

Anyway, ay suggestion ng fans sa TAPE Inc., dagdagan ang security ni Maine kapag sumasama siya sa “Sugod Bahay.” O kaya bigyan siya ng lady bodyguard para nadidikitan siya kasi ang mga lalaking bodyguards niya ngayon ay hindi siya madikitan nang husto.

May nag-suggest naman na alisin si Maine sa “Sugod Bahay” at ilagay muna sa Broadway para iwas sa pambabastos.

Umaasa ang Aldub Nation fans na makakarating sa TAPE Inc., Management, kay Mr. Tony Tuviera at sa mga taga-Eat Bulaga ang kanilang suhestiyon at panawagan.

Samantala, hindi pa man nagsisimula ang taping, marami na ang excited sa launching ng movie nina Alden at Maine na may July playdate. Umaasa rin ang Aldub Nation fans na ang matagal na nilang nire-request sa GMA-7 na sina Alden at Maine ang gawing bida sa Pinoy adaptation ng koreannovela na My Love From The Star ay pakinggan ng network.

(Nitz Miralles)