Isang stepmother ang dinakip ng pulisya matapos amining napatay niya, sa pamamagitan ng pagpalo ng kahoy na panggatong sa ulo, ang kanyang apat na taong gulang na anak-anakan, sa Calamba, Misamis Occidental, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Calamba Municipal Police, ang lalaking biktima ay nakatira sa Barangay Don Bernardo Neri sa Calamba, Misamis Occidental.

Kinumpirma ni Dr. Rodolfo Mormon, ng Calamba Municipal Health Office (CMHO), na namatay ang biktima dahil sa tinamong sugat at pasa sa ulo na nagdulot ng internal haemorrhage rito.

Inamin ng suspek na si Maricar Nodalos, 20, na nahampas niya ng matigas na kahoy at pinaso pa sa ilang bahagi ng katawan ang bata. (Fer Taboy)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga