SAN MARIANO, Isabela - Palaisipan pa rin hanggang ngayon ang pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Pinacanauan sa Zone 2.

Kinilala ng San Mariano Police ang biktimang si Andres Manaois, nasa hustong gulang, may asawa, karpintero, ng Sitio Matoya, Barangay Cataguing sa San Mariano.

Narekober ang lumulutang na bangkay ni Manaois dakong 8:20 ng umaga kahapon sa Pinacanauan River.

Wala namang sugat sa katawan si Manaois, na sasailalim sa post mortem examination para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?