Raptors at Hawks, umabante sa playoff, 3-2.
TORONTO (AP) — Naisalba ng Toronto Raptors ang 13 puntos na paghahabol sa final period at ang three-pointer ni Solomon Hill sa buzzer para maitakas ang 102-99 panalo kontra Indiana Pacers nitong Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven Eastern Conference first round playoff.
Nagsalansan si DeMar DeRozan ng 34 na puntos, habang kumana si Jonan Valanciunas ng 11 puntos para ilapit ang Raptors sa semifinal. Makakausad sa second round playoff ang Toronto kung magwawagi sa Game 6 sa Biyernes (Sabado sa Manila).
Nabalewala ang game-high 39 na puntos ni Paul George at ang 13 puntso na bentahe sa fourth quarter nang mabigo silang pigilan ang paghahabol ng Raptors sa krusyal na sandali.
Nag-ambag si Bismack Biyombo ng 10 puntos at 16 na rebound para sa second-seeded Raptors.
Naghabol ang Raptors sa 90-77 sa pagsisimula ng final period, bago nagbaba ng 15-2 run ang Toronto para maitabla ang iskor sa 92-all, may 6:31 ang nalalabi sa laro.
Tuluyang naaagaw ng Raptors ang momentum at nakuha ang panalo nang balewalain ng referee matapos ang reviewed ang 3-point shot ni Hill sa buzzer.
HAWKS 110, CELTICS 83
Sa Atlanta, natyope ang Boston Celtics sa harap nang nagbubunying Hawks crowd, sapat para maitarak ng Atlanta ang dominanteng panalo at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang playoff series.
Naisalpak ni Kent Bazemore ang 16 puntos, tampok ang tatlong sunod na 3-pointer sa third period para palawigin ang bentahe ng Hawks sa impresibong 42 puntos.
Balik ang aksiyon sa Boston para sa Game 6, ngunit gaganapin sa Atlanta ang krusyal Game 7 kung magkakaroon.
Nanguna sa Hawks si Mike Scott sa 17 na puntos, habang kumuba sina Jeff Teague at Evan Turner ng 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.