Bumagsak sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Korean na sangkot sa ipinagbabawal na droga sa isinagawang drug bust sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Robert Sales, hepe ng Batasan Police Station 6, ang suspek na si JzonTaek Sang, 45, pansamantalang naninirahan sa Visayas Avenue, Quezon City.

Nasorpresa si Sang ng mga pulis sa 2nd Street, Sto. Domingo, Bgy. Holy Spirit.

Dakong 5:30 ng umaga nang magpositibo ang suspek sa pagbebenta ng shabu base sa impormasyon mula sa isang tipster.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabawi kay Sang ang ilang sachet ng shabu at sari-saring drug paraphernalia.

Nakapiit ngayon ang dayuhan sa detention cell ng Batasan Police Station. (Jun Fabon)