Bahagyang lumakas ang pagpasok ng mga shipment ng mga inangkat na kalakal nitong Pebrero kumpara noong 2015, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.

Batay sa datos ng PSA, tumaas ang inangkat na kalakal nitong Pebrero ng 1.2 porsiyento sa USD5.41 billion mula sa USD5.35 billion noong nakarang taon.

Nangunguna sa import performance nitong Pebrero ang telecommunication equipment at electrical machinery na tumalon ng 77.5%, sinusundan ng industrial machinery and equipment, 50%; medicinal and pharmaceutical products, 41%; transport equipment, 25%; miscellaneous manufactured articles, 22%; other food and live animals, 20%; at plastics in primary and non-primary forms, 6.0%.

Ang top import sources ng bansa nitong Pebrero ay ang China (16.7% ng total imports para sa nasabing buwan), sinusundan ng Japan (12.6%), United States of America (9.5%), Thailand (8.9%) at South Korea (7.0%). (PNA)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'