luis jes copy

MUKHANG lumalabo raw ang muling pagbabalikan ng dating magkasintahang sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Ito ang tsika sa amin ng isang taong malapit kay Luis.

Kuwento ng source namin na ang madalas na kausap at kapalitan ng text messages ni Luis ngayon ay si Jessy Mendiola.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya tuwing kausap daw nila si Luis ay wala na itong bukambibig kundi ang nakikita nitong positibong mga bagay-bagay kay Jessy.

Pero agad namang itinanggi ng source na nililigawan na ni Luis si Jessy. Nasa getting-to-know stage pa lang daw ang dalawa.

Kung ilang beses na kaming nagpadala ng text message kay Luis para i-double check ang info pero wala kaming natatanggap na reply mula sa panganay ni Gov. Vi.

May nakapagbalita na rin sa amin na isinasama raw ni Luis si Jessy sa “campaign rally” ni Gov. Vi na tumatakbo for congresswoman sa lone district ng Lipa. Pero hanggang sasakyan lang daw ang aktres,

Sa isang post naman ni Jessy sa kanyang social media account, may larawang magkatabi sila ni Luis na very sweet sa isa’t isa at makahulugan din ang mensahe ng kapamilyang aktres.

Sabi pa ni Jessy, araw-araw siyang pinatatawa ni Luis. Binanggit din ng aktres na para raw sa kanya ay si Luis ang pinakaguwagpo sa lahat. Kahit pagsasama-samahin pa raw ang lahat ng mga guwapo ay stand out pa rin daw ang panganay na anak ni Gov. Vi.

Ayaw din namang magkomento ni Ate Vi sa naturang isyu. Banggit pa ng Star for all Seasons thru text, wala pa raw namang nabanggit si Luis tungkol sa kanilang dalawa ni Jessy Mendiola, huh!

Well, ano kaya ang magiging reaksiyon naman ni Angel Locsin at ni JC de Vera? (JIMI ESCALA)