Ni REGGEE BONOAN

KUNG wala lang sigurong Coco Martin si Julia Montes ay baka niligawan na ni Sam Milby ang leading lady niya sa Doble Kara na ayon sa kanya ay “wife material.”

Ito ang paglalarawan ni Samuel Lloyd kay Julia, kaya naman pala hindi na pinakakawalan ito ni Coco.

“She’s very much more mature than her age,” sabi ni Sam. “I see how she is in terms of every aspect of her life.  I see how she is in terms of her family. She’s a family woman, and she’s conservative in the right way.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Grabe, ang haba ng hair ni Julia nang mga sandaling iyon sa magagandang papuri sa kanya ng leading man niya.

Natanong din ang lovelife ni Sam pero zero ang nakuhang sagot ng entertainment press.

“Pagdating sa personal life, I’m trying to keep it more personal,” diretsong sagot ng binata.

 Hindi naman itinanggi ni Sam na in time ay gusto na rin niyang magkaroon ng pamilya.

“‘Yong mga kaibigan ko at mga kaedad ko, they’re all having families na. Alam ko na darating din ‘yong time ko,” saad ng aktor.

Very vocal naman si 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach na crush niya si Sam, pero natawa lang si Sam nang hingan ng reaksiyon tungkol dito. At sinabing walong taon na niyang kaibigan at kakilala si Pia.

Bakit hindi niya niligawan?

“Kasi pareho kaming may karelasyon that time.”

Paano na, inamin din ng nanalong 2016 Binibining Pilipinas Globe na si Nicole Marie Ramos Manalo na crush din niya si Sam Milby?

Si Nicole ay kapatid ng aktres na si Bianca Manalo na nanalo ring Binibining Pilipinas Universe noong 2009.

“Wow, that’s flattering!” tanging sagot ng aktor.

Hindi ba niya type ang mga beauty queen?

“Hindi naman sa ganu’n, it’s just never happened.  At ‘yung kay Pia, it’s been a long time and if ever (ligawan si Pia), there’s a good foundation kasi we keep our good friendship and we keep in touch.  There are times na hindi kami masyadong nag-uusap  pero hindi po kami nag-date.

“Bilang kaibigan niya, it’s flattering na vocal siya sa sinabi niya sa fast talk kay Boy Abunda.

“Napaka-genuine na tao ni Pia at hindi dahil Miss Universe siya kaya liligawan ko, hindi dapat ganu’n.  If I want to court her, dahil taos puso, hindi dahil lang Miss Universe because I knew her for a long time.”

Napaka-sincere ng sagot ng aktor kaya tinanong siya ni Manay Ethel Ramos ng, “Bakit naman napakadisente mo?”

“Dahil po may guilty conscience din ako,” natawang sagot ni Sam.

 Samantala, aminado si Sam na sobrang blessed siya na napasama siya sa Doble Kara serye ni Julia, napakaganda raw ng role niya at marami siyang natututuhan sa mga kasama niya. Kaya mas lalo niyang pinagbubuti ang pagsasalita niya ng Filipino, “Gusto kong magpakadalubhasa sa pagsasalita po ng Tagalog.”

Sa pagtatapos ng unang yugto ng Doble Kara ay ikinasal na sina Sebastian (Sam) at Kara. Sa mga susunod na episodes ay magkakaroon sila ng anak. Magkakaanak din si Sara, base sa ipinakitang trailer ng ikalawang yugto kaya palaisipan sa entertainment press kung anak din iyon ni Sebastian sa kakambal ng asawa niya.

Napapanood ang Doble Kara sa hapon mula Lunes hanggang Biyernes, mula sa direksiyon nina Manny Palo, Jon Villarin at Erik Salud handog ng Dreamscape Entertainment.