Tinanghal na kampeon ang isang facial therapist at zumba hobbyist sa pagsisimula ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t-Saya sa Parke Summer Games kahapon sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Natipon ng 31-anyos na si Churchil Ocante mula N. Domingo, San Juan, ang pinakamataas na boto mula sa mga hurado matapos sumabak sa zumba nang mahigit dalawang oras nang walang tigil.

“Masaya po na nagawa kong manalo ngayon,” pahayag ni Ocante.

Hindi naman inaasahan ni Wilbert Estoleta, 27-anyos mula sa Brgy. West Crame, Santolan Quezon City ang manalo sa men’s division dahil nagsisimula pa lamang ito na matuto at mag-aral sa kinagigiliwang disiplina na Zumba.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pumangalawa kay Ocante sa tampok na women’s 18 to 40 years old category si April Balinato, habang ikatlo si Cherry Ann Chua-Villar. Ikalawa sa Male division si Victor Enriquez ,habang ikatlo si Dennis Maximo.

Muli naman nagwagi sa ikatlong sunod na pagkakataon sa 41-60 years old Female category ang mula Bayawan City, Negros Occidental na si Elsie Tampos, at si Jerry Ocampo na empleyado ng National Food Authority (NFA) sa 41-60 division.

Pumangalawa si Marites Genono at ikatlo si Margie Oliva Chua sa kababaihan habang ikalawa si Francis Porter at ikatlo si Hann Straus Adalid.

Nagwagi naman sa badminton girls beginners category si Joley Yap kasunod sina Stephanie Marie Custodio at Sharaia Klein Banan, habang sa advance ay namayani si Girlie Cueva laban kina Justine Yap at Angela Resuello.

Nanguna naman sa boys beginner si Mark Jethro Marasigan at pumangalawa at ikatlo sina James Nino Lopez at Benedict Tyler Hernandez. Kampeon sa male advance si Christian Bacanegra kasunod sina Marvin Redona at Matthew Mirallosa.

Nanalo sa volleyball men’s ang Ricas Manila kontra Amazing San Juan sa dalawang set. Ikatlo ang Animo San Juan. Sa kababaihan, tagumpay ang Team Barbie Blue kontra Pamilian Green.

Sa football, nanalo sa goal difference ang San Juan Blue sa 18 puntos (1 win 2 draw) kontra San Juan Green na may 16 puntos (1 win 2 draw). Ikatlo ang Manila na may 3 draw.

Umabot sa kabuuang 355 katao ang nagsilahok kung saan sa badminton ay may 45, sa football (40), sa taekwondo (8), volleyball (42), Zumba (202) at senior citizen (18). - Angie Oredo