Jon Jones

LAS VEGAS (AP) — Naungusan ni Jon Jones si Ovince Saint Preux nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa UFC 197 at angkinin ang interim light heavyweight title.

Pansamantalang pinalaya matapos masangkot sa hit-and-run crash sa New Mexico at pagbabalewala sa kanyang probation, inalisan ng korona si Jones.

Sa kabila nito, nagpamalas ng bilis at katatagan si Jones para makuha ang iskor ng mga hurado 50-44, 50-45 at 50-45 at mahila ang career record sa 22-2.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sunod niyang makakaharap si Daniel Cormier para sa unification title bout. Bagsak si Saint Preux sa 19-8.

Naidepensa rin si Demetrious Johnson ang flyweight title sa ikawalong sunod na pagkakataon nang gapiin si Henry Cejudo sa first round.