INGLEWOOD, California (AP) — Naidepensa ni Gennady Golovkin ang World Boxing Organization (WBO) middleweight title sa dominanteng pamamaraan nang pabagsakin sa second round ang dating walang talong si Dominic Wade nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Naitala ni Golovkin (35-0, 32 KO) ang ika-22 sunod na panalo sa pamamagitan ng TKO.
Sumabak si Wade na may malinis ding karta, ngunit hindi umubra ang kanyang lakas nang pabagsakin siya ni Golovkin ng tatlong beses bago ang nakaririnding kanang bigwas sa panga may 23 segundo ang nalalabi sa ikalawang round.
Dumagundong sa hiyawan ang The Forum na nagbunyi sa kahanga-hangang panalo ng kampeon. Naidepensa niya ang korona sa ika-16 na pagkakataon.
“This is a big present for my fans,” pahayag ni Golovkin.
“I’m here now and I’m here to stay. I’m not going anywhere.”
Napanatili rin ni Roman “Chocolatito” Gonzalez ang WBC 112-pound title via unanimous decision kontra McWilliams Arroyo.
Tanging si Canelo Alvarez, kampeon sa naturang division sa WBC, ang kailangan harapin ni Golovkin upang tuluyang tuldukan ang paghahari sa 160-pound division.