batng gilas

MEDAN – Magaan na sinimulan ng Philippine Batang Gilas ang kampanya sa dominanteng 101-45 panalo kontra Thailand nitong Sabado sa pagsisimula ng 2016 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Under-18 Championship sa Medan, Indonesia.

Hataw si co-captain Jolo Mendoza sa natipang 16 na puntos, tampok ang apat na 3-pointer, habang kumana si Joshua Sinclair ng 12 puntos sa torneo na nagsisilbing qualifying meet para sa Asian Championship.

Kasunod na haharapin ng Batang Gilas ang Laos sa Linggo ng gabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinamalas ng Pinoy ang liksi at lakas mula sa opening jump ball kung saan kaagad na naitarak ang double digit na bentahe sa unang tatlong minuto. Sa pagtatapos ng halftime, tangan ng Batang Gilas ang 52-24 abante.

Sa third period, tila nagsagawa lamang ng basketball clinics ang Pinoy matapos limitahan sa pitong puntos ang karibal at hilahin ang bentahe sa unang pinakamalaking 35 puntos papasok sa final period.

Iskor:

Philippines (101) — Mendoza 16, Sinclair 12, Lee 12, Nelle 10, Bahio 10, Madrigal 9, Tibayan 8, Mamuyac 7, Yu 5, Gozum 5, Alfaro 4, Flores 3.

Thailand (45) — Banchathon 8, Jaimsawad 7, Suwan 6, Samakpong 6, Sonsem 5, Limjittakorn 4, Pamanee 3, Tabtim 2, Sapakong 2, Tanrattana Phithak 1, Ruangsutham 1, Leelaphipatkul 0.

Quarterscores: 22-14; 52-24; 75-31; 101-45.