Ateneo Alyssa Valdez and Bea De Leon on defensiv possision against DLSU in game of best of three UAAP Womens Volleyball finals at the Araneta Coliseum (Bob Dungo,jr)

Ni Marivic Awitan

Hindi sapat ang mahabang preparasyon para manalo.

Katatagan at kumpiyansa, ang nakitang malaking kakulangan sa Ateneo Lady Eagles, ayon kay back-to-back MVP Alyssa Valdez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mahigit isang linggo ang pinaghintay ng Blue Eagles bago sumabak sa championship match matapos mahila sa ‘do-or-die’ ang semifinal series ng La Salle Lady Spikers at Far Eastern University Lady Tams.

Sa panig ng Ateneo, madali nilang nadispatsa ang University of the Philippines sa hiwalay na semi-final duel.

Hindi nakapagtataka na tila walang dating ang Lady Eagles sa Game 1 ng championship match kung saan madali silang napatumba ng Lady Spikers sa straight set.

Maagang nakukuha ng Lady Eagles ang bentahe, ngunit kaagad itong nababawi ng La Salle at sa sandaling makaabante ang Lady Spikers, walang lakas ang defending champion para maghabol.

“We really lacked the self- confidence,” pahayag ni Valdez.

“We lacked the killer instinct. La Salle really prepared hard for us, they really wanted to win,” aniya.

Tanging si Valdez ang nakaiskor ng double digit sa nakubrang 17 puntos para sa Ateneo.

“Eventhough we had a headstart, they really wanted to win,” sambit ni Valdez.

Gayunman, masakit mang tanggapin ang mga pangyayari, sinabi ni Valdez na kailangan na nilang kalimutan ito at paghandaan ang Game Two sa Miyerkules na magaganap sa MOA Arena sa Pasay City.

“Tapos na ito. Kailangan naming mag-move on ang prepared to fight back,” aniya.