Nasa P1.2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo matapos lamunin ng apoy ang may 30 barung-barong ng nasa 40 pamilya sa Barangay San Roque sa Navotas City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa mga arson investigator, dakong 10:30 ng gabi nang nagsimula ang sunog at naapula pasado 1:00 ng umaga kahapon, dahil masyadong makikitid ang mga kalsada patungo sa lugar.

Kinailangan pang umakyat ng mga bombero sa ibabaw ng mga bahay upang maapula ang pagliliyab sa mga apektadong bahay.

Nagtulung-tulong naman ang mga residente upang ayudahan ang mga bombero sa pamamagitan ng paghakot ng tubig mula sa dagat at kanal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng awtoridad na inaalam pa nila ang sanhi ng sunog, ngunit iginiit ng ilang residente na electrical overloading ang dahilan ng sunog.

Nasa 40 apektadong pamilya ang nakatuloy ngayon sa isang eskuwelahan sa Bgy. San Roque. - Ed Mahilum