HABANG papalapit ang eleksiyon, mas lalo pang dumarami ang mga artista at singers/musicians na sumusuporta kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo na tumatakbong bise presidente ng bansa.
Bukod sa mga nasulat na, nagpahayag din ng suporta kay Leni sina Iza Calzado, Bituin Escalante, Enchong Dee, Jim Paredes, Sharmaine Buencamino, Tutti Caringal, Yan Yuzon, Edgar Allan Guzman, Gabe Mercado, Cogie Domingo, Paula Peralejo-Fernandez, at John Arcilla.
Marami ang nagagandahan kay Paula sa muling paglabas niya sa publiko at napakaganda rin ng kanyang sinabing dahilan kung bakit siya sumusuporta kay Leni:
“It’s her conscious decision to not be eaten by the perks of being a politician… Here is a woman who’s so honest and intelligent, it’s refreshing... It’s nice to hear someone who’s so real and have facts to back it up.”
Hindi na nga yata kailangan ni Leni ng maraming TVC from celebrities to endorse her dahil kusang lumalabas ang mga artista at singers para suportahan siya. Tila sapat na ang TVC endorsement ni Kris Aquino para manguna si Leni sa mga kalaban, ayun na rin sa pinakabagong survey result.
“Thinking celebrities” ang tawag ng netizens sa mga sumusuporta kay Leni. Ikatutuwa naman ng mga nabanggit na celebrities ang kakaibang title o tag sa kanila.
Samantala, sasalang sa panibagong Vice Presidential Debate sina Leni, Senators Alan Cayetano, Antonio Trillanes, Bongbong Marcos at Gringo Honasan. Sa May 1, 5:30 PM ito at sponsored ng GMA-7. (NITZ MIRALLES)