Isasagawa ang “Pintakasi of Champions” ng 2016 World Slasher Cup sa Mayo 26 hanggang Hunyo 1, sa Araneta Coliseum.

Matapos ang matagumpay na paglarga ng World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby nitong Enero 30 hanggang Pebrero 4, ipinangako ng organizer na mas malaki at mas maaksiyon na labanan ang mapapanood sa torneo na itinuturing na “Olympics of Cockfighting”.

May magkahiwalay na elimination round ang isasagawa sa Mayo 26 at 27, kasunod ang semifinals sa Mayo 28 at 29.

Maglalaban sa 4-cock pre-finals ang mga kalahok na may iskor na 2, 2.5, at 3, sa Mayo 30 at 31, habang ang 4-cock grand finals ay nakatakda sa Hunyo 1 kung saan ang mga maglalaban ay mga kalahok na may iskor na 3.5 at 4.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

May entry fee na P88,000 at minimum bet na P33,000.