Nonito

Mainit na panahon, balewala kay Donaire; Boxing fans, siesta sa laban kay Bedak.

CEBU CITY -- Isinantabi ni five-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang inaasahang sobrang init ng panahon sa mismong araw ng kanyang pagdepensa sa WBO World Super Bantamweight title kontra kay Olympian Zsolt Bedak ng Hungary sa Cebu City Sports Complex.

Batay sa ulat ng PAGASA, inaasahang aabot sa 90 degrees fahrenheit ang temperatura ngunit papalo ito sa 100 degrees dulot ng mga ilaw para sa television coverage.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

‘’Kaya minabuti namin na magstay na rito nang mas maaga,” sambit ni Donaire.

‘’When I found out that sa labas ‘yung venue, I had to come as early as possible. Buti nga, I was able to test the heat kasi alam ko na El Niño and it’s hot here in Cebu,” aniya.

“The big difference is that the heat is tremendous especially being outside during the night, and the lights in onto us. Parang sauna pa rin ‘yan,” pahayag ni Donaire.

Magkagayunman, sinabi ni Donaire na handa siya para bigyan ng kasiyahan ang mga kababayan at karangalan ang bansa.

“Para sa bayan ang laban na ito,” aniya.

Tubong Bohol ang magulang ni Donaire kung kaya’t labis ang kanyang pananabik na makalaban sa harap ng nagbubunying kababayan.

“So far it’s been great is Cebu. The fans are just amazing,” pahayag ni Donaire sa isinagawang media conference nitong Huwebes.

“They love boxing here in Cebu. The challenge of fighting in hot weather is not if you are in shape or not, it’s how well you can keep the water in your body and slow down the process of dehydration.”

Bukod sa mainit na panahon, inaasahang magmimistulang parking area ang maraming kalsada patungo sa Cebu Coliseum sa inaasahang pagdagsa ng 30,000 katao para manood ng laban.

Binanggit din ni Donaire na nakipag-sparring na siya nang mahigit 100 round sa kanyang training camp.

“Trained about 10 weeks for this fight. The key is to be patient, calm and set up my punches and deliver my power punches,” ayon sa US-based Pinoy.

Ipinanganak sa Pilipinas si Donaire, ngunit lumaki siya sa Oakland, California matapos mag-migrate ang kanyang mga magulang. Sa kasalukuyan, naninirahan siya sa Las Vegas, Nevada, kasama ang maybahay na si Rachel at anak.

Bukod kay Pacquiao, ang 33-anyos na si Donaire (36-3, 23 knockouts), ang isa sa pinagkukunan ng dangal ng bansa sa boxing kung saan nakamit niya ang apat na world title at isang international belt sa limang weight class.

Nakamit niya ang kanyang pangalawang junior featherweight title noong Disyembre 12, sa Puerto Rico kontra Cesar Juarez ng Mexico.

Layunin naman ni Bedak (25-1, 8 knockouts), 32, na masungkit ang kanyang ika-11 dikit na panalo simula nang lupigin at matikman ang una niyang talo via 10th-round knockout para sa 2010 junior featherweight world title kay Wilfredo Vazquez Jr, na naunang tinalo ni Donaire.

Iginiit di Donaire na nais niyang pagharian at makatunggali ang mga elite fighter ng 122-pound division.

“I want to be the best in my division so I seek to fight the best out there from [Carl] Frampton to [Guillermo] Rigondeaux,” aniya. (Gilbert EspeÑa)