Guy copy

MADRID (AP) — Sumakabilang-buhay na ang director na si Guy Hamilton, nagdirehe ng apat na malalaking pelikula ni James Bond sa isang ospital sa Spanish island of Mallorca. Siya ay 93.

Pumanaw si Hamilton, nanirahan sa Mallorca, sa Hospital Juaneda Miramar sa lungsod ng Palma de Mallorca nitong nakaraang Miyerkules, kinumpirma ng nasabing ospital sa The Associated Press sa pamamagitan ng email. Tumanggi ang ospital na magbigay ng detalye hinggil sa dahilan ng pagkamatay at kung gaano na ito katagal sa ospital.

Idinirehe ni Hamilton, isang British, ang blockbusters ni Bond na Goldfinger, Diamonds Are Forever, Live And Let Die at ang The Man With The Golden Gun.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nagpahayag ng pakikiramay si Roger Moore sa Twitter at sinabing “incredibly, incredibly saddened to hear the wonderful director Guy Hamilton has gone to the great cutting room in the sky.”

Isinilang si Hamilton sa Paris noong Setyembre 16, 1922. Siya ay nagtrabaho sa Paramount News newsreel company sa England noong panahon ng World War II bago naglingkod sa Navy.

Sumikat siya noong 1948 nang tanggapin siya ng batikang British director na si Carol Reed bilang unang assistant director ng The Fallen Idol. Nakatrabaho rin niya si Reed sa The Third Man na pinagbidahan nina Orson Welles at Katharine Hepburn.

Nagsimulang bumuo ng pelikula si Hamilton noong 1950s. Tumanggi siyang idirehe ang pelikula ni James Bond na Dr. No ngunit tinanggap naman niya ang trabaho sa Goldfinger.

Sa isang panayam noong 2003 sa Film Talk website, sinabi ni Hamilton na ang script ng Goldfinger ay maganda ngunit masyadong “Americanized”.

“So I had to make sure all the English scenes became more English,” sambit ni Hamilton. “I liked the idea of an intellectual villain. A Bond villain has to be (the) intellectual equal and a worthy opponent of Bond.”

Dalawampu’t dalawa ang mga pelikulang naidirehe ni Hamilton at dalawang beses naman siyang nagpakasal, kina Naomi Chance at Kerima.