Tori at Dean copy

IPINAGSIGAWAN nina Dean McDermott at Tori Spelling ang kanilang pagmamahalan sa publiko. Ito ang dahilan kung bakit nakahanda agad ang mga camera nang yayain ni McDermott ang kanyang misis na si Spelling, sa ikatlong pagkakataon, bago ipagdiwang ang kanilang ika-10 anibersaryo sa Mayo.

Muling lumuhod kamakailan ang 49 na taong gulang na aktor/TV personality sa harap ng kanyang asawa at ipinakita ang panibagong engagement ring, saksi ang kanilang apat na anak na sina: Liam, 9; Stella, 7; Hattie, 4; at si Finn, 3, habang nagbabakasyon sila sa Paris. Naganap ang ikatlong proposal sa terrace ng Café de l’Homme malapit sa Eiffel Tower. 

“Dean planned it with the owners of Café de l’Homme — overlooking the Eiffel Tower and all of Paris — to have the terrace all reserved and private for us, and told me we were going to get coffee and hot chocolates for the kids and then surprised me when he got down on one knee and presented me with an antique engagement ring,” sabi ni Spelling sa photographer na si Michael Simon. “The four kids and I were so surprised and so happy. It’s been a rough few years and this was a perfect family moment for unity and love!” 

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Marami nang pinagdaanang pagsubok ang kanilang relasyon. Matatandaan na nang magkakilala sila ay kasal pa sila sa kani-kaniyang dating karelasyon. (Yahoo News/ Celebrity)