Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi matitigil ang mga insidente ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hangga’t walang naipakukulong sa mga taong responsable rito.

“Kung walang masasampolan ang gobyerno, pabalik-balik lamang ang problemang ito ng tanim-bala,” ani Recto. Binanggit niya ang Republic Act 9516 na nagpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa sinumang mapapatunayan na nagtatanim ng bala bilang ebidensya. (Leonel Abasola)

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa