CAMP DANGWA, Benguet - Nasawi ang isang magsasaka makaraang mabagok ang ulo nito matapos tumalon mula sa isang umaandar na bus para isalba ang nahulog na sako ng bigas, sa Kabayan, Benguet, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.

Sa ulat ng Kabayan Municipal Police, kinilala ang biktimang si Jimmy Dala-oy Elio, 67,ng Sitio Besang, Barangay Adaoay, Kabayan, Benguet.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 3:30 ng umaga nitong Abril 19 nang nakisakay ang biktima sa pampasaherong bus na minamaneho ni Celso Lamirez, 40, sa may Kabayan-Buguias Road patungong Baguio.

Base sa pahayag ni John Montes Culay-an, 20, konduktor ng bus, sinabihan niya si Elio na ilagay sa compartment ang dala nitong sako ng bigas at sa estribo na lang sumakay dahil malapit lang ang pupuntahan ng biktima.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Habang padaan sa kurbada sa Sitio Besang, nahulog ang sako ng bigas at mabilis na tumalon si Elio para iligtas ang sako, ngunit nagpagulung-gulong siya sa kalsada hanggang sa mabagok. (Rizaldy Comanda)