GENERAL SANTOS CITY – Anim na hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkahiwalay na anti-drug operation na inilunsad ng pulisya sa lungsod na ito at sa Koronadal City.

Ayon kay Regional Police Director Supt. Noel Armilla, apat na suspek ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanila sa Barangay San Jose sa lungsod na ito.

Aniya, nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya, sa pangunguna ni Supt. Samuel Cadungon, at nauwi sa sagupaan ang insidente, na ikinasugat ni PO3 Dennis Dador.

Tatlo sa mga nasawi ang kinilalang sina Ramin Adialon, Baserin Ali, at Jaura Kadat.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakumpiska ang pulisya ng ilang gramo ng shabu, ilang baril at isang granada.

Samantala, napatay naman sa engkuwentro sa mga pulis sa Koronadal City, South Cotabato sina Jeffrey Dalamban at Bailyn Balambag. (Joseph Jubelag)