HINDI lang parangal sa kahusayan bilang actor sa nakaraang International Film Festival Manhattan ang nakamit ni Epy Quizon sa pagganap niya bilang Onassis Hernandez sa Singaporean movie na Unlucky Plaza kundi mga papuri rin mula sa mga kritiko at lalung-lalo na sa kanyang director na si Ken Kwek.
Mahusay si Epy para sa Singaporean filmmaker. Sa press conference ng Unlucky Plaza last week, masayang nagkuwento si Ken na hindi mahirap katrabaho si Epy.
“Speaking of acting with Epy, I like few takes. I don’t like to do a lot of takes. And very often I would say to Epy, let’s do one or two takes. Almost all the time, Epy would hit those marks,” kuwento ni Ken. “He is fantastic.”
Dagdag pa niya, “The shooting was fantastic, we had a great time. There was no politics. There was no problems with schedules.”
Sa kuwento ng pelikula, Pinoy si Onassis Hernandez (Epy) na may-ari ng isang restaurant sa Lucky Plaza, isang mall sa Singapore. Nagkaroon ng food poisoning scandal sa naturang mall kaya nagbagsakan ang mga negosyo at kasama ang resto ni Onassis. Minalas din siyang madamay sa isang financial scam. Hiwalay sa asawa at may anak na lalaki, nasira ang pangarap niyang magkaroon ng magandang buhay ang kanyang anak at ito ang nagpagulo sa isip niya kaya nang-hostage siya ang mga taong pinagbibintangan niyang dahilan ng kanyang mga kamalasan.
Ayon kay Epy, pumapangalawa lang ang kanyang international acting award sa karangalang nararamdaman niya mula sa papuri ng mga manonood ng Unlucky Plaza.
“When someone leaves the theater and say to me that was very good or you did a good job, that’s when I receive the biggest award,” sabi ni Epy.
Hindi niya solo ang karangalan, dahil bahagi nito si Ken Kwek.
“I’m very proud that I received such an honorable award but I share it with my director only because I guess it’s the collaboration that we had. We were working with levels. It’s a film about a guy who had an emotional roller coaster. And we were doing it in a linear way so the levels have to be right. The anger, I cannot start here and then be there. It was leveled perfectly by the director,” saad ni Epy.
Pero idinagdag ni Epy na hindi madali ang papel na ginampanan niya dahil sa mala-roller-coaster ride na emotions na kailangang mapagdaan sa Unlucky Plaza. Pero ikinatuwa niya na kakaiba ito sa mga nagdaang characters sa mga pelikulang nilabasan niya.
Hindi rin ikinagulat ng director ang Best Actor award ni Epy. Ayon kay Ken Kwek, nagiging malapit siya sa mga artista niya dahil sa workshops o rehearsals na ginagawa nila bago pa man simulan ang pelikula. Sa una pa lang, ipinamalas na ni Epy ang kahusayan sa pag-arte. Inamin din niya na madalas niyang nirerebisa ang kanyang script ayon sa “contribution, faces, shapes and actions” ng kanyang mga artista.
Dahil sa positibong resulta ng pakikipagtrabaho kay Epy, bukas ang pinto ni Ken Kwek sa ilan pang collaborations.
“I certainly hope so. I have a great partner and friend in Epy. So I’m actively seeking to develop another film here in the Philippines and hopefully get to work not just with Epy but the immense talent you have in your very very wonderful industry here,” pagtatapos ni Ken.
Ipapalabas sa mga sinehan ang Unlucky Plaza (distributed by Viva Films) simula bukas. (WALDEN SADIRI M. BELEN)