Abril 18, 1968 ibinenta ang sikat na London Bridge sa halagang $2,460,000.00 sa American oil mogul na si Robert McCulloch.
Papalubog na noon ang tulay, at kinailangan nila itong bigyan ng atensiyon at kumpunihin agad. At dahil pinaniniwalaang mas magandang magpatayo ng bago kaysa ipagawa ito, ibinenta na lang ang tulay.
Hindi nagtagal ay giniba ang tulay, na idinisenyo ni John Rennie, at dinala sa Lake Havasu sa tabi ng Colorado River sa Arizona, at doon ito muling itinayo, at naroon pa rin hanggang ngayon.
Sa unang bahagi ng 1900s, aabot sa 900 sasakyan at 8,000 pedestrian ang tumawid sa London Bridge kada oras.
Gayunman, nagsimulang lumubog ang tulay ng isang pulgada kada walong taon, at noong 1967, napagdesisyunan ng Common Council of the City of London na palitan ang tulay.
Ang dating public relations practitioner na si Ivan Luckin ang nagmungkahi na ibenta ang lumang tulay sa mga Amerikano bilang isang tourist landmark.