Iba’t ibang aktibidad na pang-kultura ang itatampok sa makasaysayang Intramuros sa Maynila ngayong linggo para sa Design Week Philippines (DWP) 2016.

Sa Facebook account nito, inihayag ng Intramuros Administration (IA) na ang isang-linggong event (Abril 16-24), ay ilulunsad sa pagbubukas ng Weekend Market and Intramuros Pasyal ng Viva Manila na nagtatampok sa maraming food stall at tindahan na magbebenta ng artistic products, at matatagpuan sa Gen. Luna Street.

Lalahok din sa DWP 2016 ang iba’t ibang art group—Urban Sketchers Philippines, Gerilya, Type Kita—upang magtampok ng mga art installation sa iba’t ibang bahagi ng Intramuros.

Sagot naman ng Ilustrados ang pagtatanghal ng musika at tula.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Bukas, Abril 18, magdaraos ang Solar Entertainment ng film showing ng mga dating entry ng Sinag Maynila sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Auditorium.

Magdaraos din ng national conference at mga exhibition ang Slingshot Philippines at Manila FAME sa Philippine Trade Training Center (PTTC) at World Trade Center, ayon sa pagkakasunod, sa Pasay City sa Huwebes hanggang Linggo (Abril 21-24). (Samuel P. Medenilla)