JONES, Isabela – Isang araw matapos mapatay ang bise alkalde sa bayang ito, dalawa namang barangay chairman ang pinaulanan ng bala na ikinasawi ng isa sa kanila nitong Huwebes.

Kinilala ng Isabela Police Provincial Office ang namatay na si Heinrich Apostol, nasa hustong gulang, chairman ng Barangay San Isidro sa Jones; habang nasugatan naman si Jimmy Balmilero, chairman ng Bgy. Dicamay 1 sa Jones din.

Dakong 8:30 ng gabi nitong Huwebes, nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Apostol sa Bgy. San Isidro nang pagbabarilin sila ng suspek at nasapol sa ulo ang huli, habang sa kanang paa naman ang tama ni Balmilero.

Kandidato para konsehal ng Jones si Apostol.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Miyerkules ng hapon nang patayin si Vice Mayor Ronaldo Lucas matapos i-hostage ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang namamahagi ng tulong sa mga apektado ng tagtuyot. (Liezle Basa Iñigo)