Rep. Leni at Bea copy

SI Bea Binene ang bagong dagdag na celebrity na sumusuporta sa kandidatura ni Cong. Leni Robredo. May picture ang aktres at si Cong. Leni at ang caption na inilagay ni Bea, “I WASN’T PAID FOR THIS, just in case may masabi ang iba.”

Sinundan ito ni Bea ng, “I would like to congratulate her for the VP #PilipinasDebate2016. Her answers on point. She has the heart, the mind and the will for the job. She’s not a politician, she’s a public servant. It’s a pleasure to meet you, Ma’am. May the best woman win.

“Gusto kong masaksihan ang pagbabago, sana makatulong ang boto ko. Maging maPILIng Pilipino. #LeniIsMyVP #LabanLeni. Leni Robredo Women for Leni.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Hindi diretsahang ikinampanya ni Bea si Leni at hindi niya sinabing iboto si Leni, kaya hindi siya mamememohan ng GMA Network na ipinagbabawal sa kanilang mga talent ang pag-i-endorse ng kandidato sa nalalapit na election.

Samantala, patuloy na napupuri ang acting ni Bea sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli. Ang hirap ng role ng aktres na sa story ay hindi pa rin nakakapagsalita at nakakatayo. Looking forward na ang fans na dumating ang time na nagsasalita at nakakalakad na ang karakter ni Bea na si Ana sa soap. (Nitz Miralles)