SAN JUAN, Batangas – Umuwing luhaan mula sa pagbabakasyon ang limang guro na ninakawan sa isang isang resort sa Laiya, San Juan, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Cynthia Bonifacio, 46; Rolando Mendaño, 48; Ron John Quejado, 28; Evelyn Tayab, 48; at Josie Josef, 47, pawang residente ng Marikina City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:00 ng gabi nagtungo sa ikalawang palapag ng function hall ng White Cove Resort ang mga biktima para maghapunan. Pagbalik nila sa inuupahang kwarto ay nadatnan nilang nakakalat na ang kanilang mga gamit.

Nakita sa CCTV footage ang pagpasok ng isang lalaki sa kuwarto ng mga biktima at kinulimbat ang mga cellphone at pera ng mga biktima. Tumakas ang suspek sakay ng Toyota Fortuner na may sticker na YN 1560. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog