PADRE GARCIA, Batangas - Matapos ang mahigit isang buwang pagtatago, naaresto ang isang takas na preso sa operasyon ng mga awtoridad sa Padre Garcia, Batangas.

Nadakip si Rommel Belen, 23, sa Barangay Cawongan sa bayang ito.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 9:50 ng umaga nitong Abril 11 nang maaresto si Belen, na akusado sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Marso 6, 2016 nang tumakas si Belen mula sa himpilan ng Padre Garcia Police. (Lyka Manalo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol