Binatikos ng United Nationalist Alliance (UNA) ang walang humpay na pagbabaklas ng mga campaign material sa Davao City ng senatorial candidate nito na si Princess Jacel Kiram.

Isang residente ng Davao City, kandidato si Kiram sa ilalim ng UNA na pinamumunuan ng presidential candidate na si Vice President Jejomar Binay.

“May mga taong nagsabi na dapat ay may mga tarpaulin ako ni (Davao City Mayor Rodrigo) Duterte. Hindi ko magagawa iyon dahil mayroon akong president (Binay),” ayon kay Kiram.

Ipinagbigay-alam ng mga tagasuporta sa kampo ni Kiram na ang mga tauhan ng Davao City Traffic Management Center ang umano’y nagbabaklas ng kanyang campaign materials na ipinaskil sa mga pribadong bahay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Mon Ilagan, tagapagsalita ng UNA, nakatanggap din sila ng ulat mula sa mga lider ng UNA sa Davao City na nagbabaklas din umano ang mga tauhan ng city hall ng campaign tarpaulin ng kanilang mga kandidato. - Anna Liza Villas-Alavaren