Abril 10, 1815 nang magtala ng kasaysayan ang Mount Tambora sa Subawa, Indonesia matapos itong mag-alburoto at maglabas ng halos 150 cubic kilometer (may 60 megatons ng sulfur) na bato at abo sa pagsabog. Ang pagsabog ay may “extremely high” index, at tinawag na “Pompeii of the East.”

Kumalat ang abo sa buong Indonesia dahil sa malakas na hangin, at natanaw ang pagsabog hanggang sa Sumatra. Limang araw bago ito, nagsimulang magkaroon ng pyroclastic flows sa bulkan.

Aabot sa 11,000 ang nasawi sa pagsabog, habang 60,000 iba pa ang namatay sa suffocation, gutom, at sakit. Bago mag-alburoto, ang Mt. Tambora ay may taas na 4,300 metro.

Ito ay naging dahilan ng “Year Without Summer” sa Northern Hemisphere noong 1816, at nagbunsod ng malawakang pagkagutom sa Europe at North America.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’