ISULAN, Sultran Kudarat - Armado ng search warrant mula sa isang korte sa Cotabato City, nilusob ng awtoridad ang bahay ng isang dating chairman ng Barangay Kauran sa Ampatuan, Maguindanao, at nakakumpiska ng sachet ng hinihinalang shabu mula rito.

Bagamat todo-tanggi sa mga paratang, nakuha mula sa tokador ng bahay ni Reynaldo Huesca y Allaga ang isang malaking sachet ng ilegal na droga.

At bagamat sinikap ng mga kaanak ni Huesca na pigilan ang pagdakip sa kanya, nabitbit pa rin siya ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12, para masampahan ng kaukulang kaso sa Cotabato City.

(Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog