CONCEPCION, Tarlac – Isang mag-asawa sa Barangay San Martin, Concepcion, Tarlac ang nabiktima ng mga “salisi” gang at natangayan ng libu-libong halaga ng alahas at pera.

Ayon kay SPO1 Eduardo Sapasap, investigator-on-case, umabot sa P100,000 halaga ng alahas at P200,000 cash ang nakulimbat ng mga kawatan sa bahay ni Danilo Castro, 46, may-asawa, ng nabanggit na lugar.

Nangyari ang pagnanakaw matapos umalis ang mag-asawang Castro sa kanilang bahay para dumalo sa isang okasyon.

Napag-alaman na sinira ng mga kawatan ang pintuan sa likuran ng bahay at kinalas ang harang na bakal sa kusina.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Malaki ang hinala ng pulisya na isinagawa ang pagnanakaw sa pagitan ng 6:00 ng gabi ng Miyerkules at 12:30 ng madaling araw kahapon.

Ang kasong ito ay patuloy pang sinisiyasat sa Concepcion Police Station. (Leandro Alborote)