Pinagmulta ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang bus operator na United Land Transport and Bus Company Inc., kilala rin bilang Ultra Bus, ng P3 million sa pagbiyahe nang walang special permit noong nakaraang Pasko.

Bukod dito, kinansela rin ng board ang 10 unit sa ilalim ng franchise. Sinabi ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton na ang tatlong unit ng Ultra Bus na may mga plate number na AAI-9134, AAI-9133, at AAI-9130 ay natuklasang namamasada nang walang special permit noong Disyembre 22 at 30 dahil sa surprise bus at terminal inspections na isinagawa ng board. (Czarina Nicole O. Ong)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter