LUMUTANG ang electioneering issue nang mamataan ang apat na boss ng Philippine National Police (PNP) sa isang pagpupulong kasama ang mga taga-suporta ni Liberal Party (LP) standard-bearer Mar Roxas II.
Nalalapit na ang eleksiyon kung kaya’t lumulutang ang electioneering o mga kaso ng “The Nearness of You”.
Ilang bansa ang naglunsad ng imbestigasyon sa tax evasion matapos ang malaking leak ng mga confidential document na nagbunyag sa mga palihim na offshore financial dealing ng mga pulitiko at celebrity. Ito ay tinawag na “Panama Papers”.
Ang panahon ng eleksiyon ang pinakamagulong panahon. Pumasok naman sa usapin ang “Pamana Papers,” Whew!
Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, ang apat na officer – Director Generoso Cerbo Jr., chief ng PNP Directorate for Intelligence; at Chief Superintendents Renier Idio (Cagayan Valley); Bernardo Diaz (Western Visayas); at Ronald Santos (Calabarzon) – ay mayroon pang panahon hanggang Biyernes para ”explain” ang naiulat na kanilang pagdalo sa nasabing pagpupulong na pinamunuan ng legislative staff ni Roxas sa Novotel sa Cubao, Quezon City.
Posibleng eksplanasyon: Anong bago? Inimbitahan kami sa isang “zombie” party o kaya’y naglakad habang natutulog.
Sinabi ni Mayor na ang PNP Headquarters ay opisyal na makikipag-ugnayan sa mga concerned officer upang masagot nila ang mga isyu.
Ang envelopes, please… paparating na ang liham na “Dear Chief” upang ang “Chief”ay makasagot ng patas.
“Let them answer the issue individually. They are senior officers and responsible enough,” diin ni Mayor.
Ngunit kung hindi nila maipaliwanag nang buo ang kanilang pagdalo sa “the meeting,” sila ay mahaharap sa kasong electioneering, babala ni Mayor.
Pinaalalahanan ni Presidential contender na si Sen. Grace Poe ang mga opisyal ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling patas at walang kinikilingan, matapos maiulat na may mga military at police officer na nakipagkita sa mga taga-suporta ni Roxas.
“My appeal to the PNP and the military: Be neutral especially during the day of the elections and during the campaign period,” ani Poe.
Gayunman, may nagpahayag na kaya sila nakipagpulong sa mga ito ay upang ipaliwanag ang mga kinakailangang gawin at paalalahanan tungo sa mapayapang eleksiyon sa Mayo 9.
“Well, I do hope so that that what they discussed is for everyone’s benefit… only to ensure that the exercise would be fair, clean and safe,” ani Poe. (Fred M. Lobo)