Naghain ng kasong pandarambong ang isang grupo laban kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa umano’y paglustay ng P210 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Kasama ang mahigit 200 anti-Marcos follower, hiniling ng mga opisyal ng IBalik ang Bilyones ng Mamamayan (iBBM) sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang PDAF ni Marcos na nilustay umano gamit ang non-government organization (NGO) na Janet Lim Napoles.
Ayon sa Rafaela David, nakasaad sa 18-pahinang reklamo na siyam na special allotment request order (SARO) ang iniugnay sa PDAF ni Marcos na inilaan umano sa mga pekeng NGO ni Napoles.
“These SAROs constitute part of PDAF scam (whistle blower Benhur) Luy files which showed that Marcos himself was directly involved in stealing the people’s money,” ayon kay David.
Nakasaad din sa reklamo ang isa umanong pag-¬amin ng tanggapan ni Marcos na hiniling ng municipal mayor ng General Nakar na gamitin ang serbisyo ng Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFFI).
Iginiit ni David na ang SDPFFI ay isa sa mga bogus na NGO na pinamumunuan ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy na iniulat ng Commission on Audit (CoA) na nakatanggap ng pinakamalaking halaga ng PDAF mula sa 82 pekeng institusyon na itinayo ni Napoles.
Ayon kay iBBM member Marlon Cornelio, si Marcos mismo ang umamin na inatasan niya ang lokal na pamahalaan ng General Nakar na gamitin ang NGO ni Napoles sa paggamit ng kanyang PDAF. (Jun Ramirez)