pacman copy

LOS ANGELES, CA – Tapos na ang halos isang buwang paghahanda, payapa at punong-puno ng kumpiyansa si Manny Pacquiao sa kanyang paghahanda para sa biyahe patungong Las Vegas.

Limang araw mula ngayon, masasaksihan muli ng boxing fans sa buong mundo ang kahusayan at katatagan ng eight-division world champion laban sa agresibong si Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand Garden Arena.

Kasama ang 40-katao na binubuo ng Team Pacman, pamilya, kaibigan, supporter at lokal media, nakatakdang bumiyae ang People’s Champ patungong Vegas Lunes ng hapon (Martes ng gabi sa Manila).

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Sakay si Pacquiao ng magarbong RV luxury van na ipinagawa ng negosyanteng si Abbas Ahmadi.

Bago bumiyahe, nagsagawa muna ng light workout si Pacman sa Griffith Hills at sa Wild Card Gym ni trainer Freddie Roach.

“Excited and thrilled, that’s how I feel right now. A week from now, laban na,” pahayag ng Saraggani Congressman.

“Ready na. Sabik na sabik na nga akong umakyat muli sa ring. Almost one year na kasing na-bakante at kailangan manalo tayo. Pipilitin natin, kondisyon naman tayo at preparado,” aniya.

Tulad ng nakasanayan, dumalo sa misa si Pacman at ang pamilya nitong Linggo, bago nagyaya para sa masaganang pananghalian sa isang Japanese restaurant kung saan isang insidente ang naabatan ng malapit na kaibigan ni Pacman nang tangkain isyang sugurin at suntukin ng isang Kano habang papasakay siya sa kayang sasakyan.

“Pinatawad ko na siya. Baka wala lang sa wisyo. Hindi naman tayo nasaktan kaya sabi ko sa mga security na huwag nang ikulong at pauwiin na lang,” pahayag ni Pacquaio.

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pacman ang pahayag na gantio ito ng mga sumusuporta sa LGBT community kung saan nasaling niya ang damdamin ng mga ito bunsod ng kanyang estado sa same-sex marriage.

‘Tapos nay un at nag-sorry na ko. Hindi naman siguro iyon ang dahilan,’ aniya.

Magaganap ang tradisyunl na Grand Arrival Ceremony Martes ng tanghali (Miyerkules ng gabi sa Manila), habang nakatakda ang main event press conference sa 10:30 ng umaga ng Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ang official weigh-in ay sa Biyernes (Sabado sa Manila) ganap na 2:30 ng hapon. (Eddie Alinea)