Abril 6, 1968 nang ipalabas sa sinehan ang sci-fi film ni Stanley Kubrick na “2001: A Space Odyssey”. Binuo ni Kubrick ang pelikula at mas pinahalagahan ang visual kaysa verbal, kaya naman aabot lang sa 40 minuto ang palitan ng mga diyalogo ng mga karakter.

Inabot ng hanggang tatlong oras, tampok sa pelikula ang Africa noong Pleistocene Era, at ipinakita ang isang space-shuttle cabin. Isinasalaysay nito ang ebolusyon ng daigdig, at kung ano ang kaibahan ng tao sa hayop pagdating sa kakayahan.

Magkakaiba ang naging review sa pelikula. Ang visual quality at ang special effects ng nasabing pelikula ay nagsilbing inspirasyon sa maraming sci-fi movies.

Sumikat si Kubrick matapos niyang idirehe ang 1957 drama na may “Paths of Glory,” isang pelikulang kontra digmaan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko