BATANGAS CITY - Patay ang isang estudyante makaraan siyang malunod habang naglalangoy sa ilog sa Batangas City.

Dead on arrival sa pagamutan si Louie Camacho, 18, ng Barangay Haligue Kanluran, sa lungsod.

Ayon sa report ni PO3 David Reyes, dakong 2:30 ng hapon nitong Abril 2, naglalangoy ang biktima kasama ang pamangkin nang malunod siya sa Malibayo River, na sakop ng Bgy. Malibayo sa Batangas City.

Isinugod sa Batangas Medical Center ang biktima subalit binawian din ng buhay. (Lyka Manalo)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae