Abril 5, 1984 nang magtala ng bagong National Basketball Association (NBA) all-time scoring record na 31,420 puntos ang noon ay manlalarong si Kareem Abdul-Jabbar.
Nang panahong iyon, mahigit 18,000 katao ang nanonood sa laban ng Utah Jazz at Los Angeles Lakers, na isinagawa sa University of Nevada sa Las Vegas. Naglaro si Abdul-Jabbar para sa Lakers.
Ipinasa ni Magic Johnson ang bola kay Abdul-Jabbar sa low post, at kumaliwa ang huli sa baseline para ibuslo ang bola, nang wala nang siyam na minuto ang nalalabi sa laban. Binati si Abdul-Jabbar ng kanyang teammates, at natigil ang laro. Nanalo ang Lakers, 129-115.
Si Wilt Chamberlain ang unang nagtala ng nasabing record sa kanyang 31,419 points.
Si Abdul-Jabbar din ang may pinakamatagal na oras ng paglalaro sa NBA, sa 54,446 na minuto. Noong 1995, napabilang siya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame. Napili siya mula sa 1969 NBA draft.