Palaisipan ngayon sa mga kaanak ng isang solterong senior citizen ang dahilan ng pagbibigti nito sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Ernesto U. Cruz, 61, nakatira sa No. 76 Lot 80 Haring Constantino Street, Lagro Subdivision, Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Malamig na bangkay at lawit ang dila ng matanda nang matagpuan ng kanyang pamangkin sa kanyang kuwarto habang nakabitin sa kisame.

Sa pahayag ni Caryll Bueno, pamangkin ni Lolo Ernesto, sa Fairview Police Station, dakong 5:30 ng umaga nang puntahan niya ang tiyuhin sa silid para mag-almusal subalit laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang nakabiting bangkay nito. (Jun Fabon)

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod