CAMP MACABULOS, Tarlac City – Limang umano’y big-time drug pusher ang nalambat ng mga pulis sa buy-bust operation sa Block 8, Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac.

Sa report kay Tarlac Police Provincial Office Director Senior Supt. Alex Sintin, kinilala ang mga nadakip na sina Michael John Mangaser, 35, panglima sa top 10 drug personalities sa Capas; Cornelio Tanglao, Jr., 20; July Calderon, 25; Elsa Gatpo, 24; at Roselyn Filipinas, 19, pawang residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na transparent plastic sachet na may magkakaibang gramo ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Bukod dito, narekober din ng awtoridad mula sa mga suspek ang isang Mitsubishi Gallant at tatlong motorsiklo na walang plaka. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae